Dati, sinabihan ako ng boss ko, “yung mga nagbabalog, papansin lang!” Bago pa lang kasi ang blog noon, ni hindi nga alam ng iba kung ano ang blog. Kahit nga ako, hindi ko malalaman ito kung hindi dahil kay kuya Ederic na sawang sawa na sa mga kwentong sawi ng buhay pag-ibig ko five years ago. Kahit kasi hindi ko ikwento sa kanya, ikinukwento ko naman kay BR, at naririnig niya. Hindi siguro kami makapagtrabaho ng maayos sa “Bio-data” noon dahil sa kaka-daldal ko tungkol sa aking sawing pag-ibig. Kaya di na niya napigilang sabihin sa akin, “magblog ka, tapos dun mu isulat ang mga nararamdaman mo!” Binigay niya sa akin ang address ng blurty at simula noon, nagsimula na akong magsulat ng blog.
Pero hindi totoong nagpapapansin ka kung nagbablog ka. Hindi naman lahat ng nagbabalog ay nag-aanyaya ng magbabasa ng mga isinulat mong saloobin, gaya ko. Walang akong makausap noon, mahilig akong magsulat .. eh andiyan ang blog!
Limang taon na ang nakalipas simula ng magblog ako. May mga ilang pagkakataon na muntik na akong mapahamak dahil sa blog. Nababasa kasi ng hindi dapat makabasa. Meron ding ibang kaibigan, hindi gusto ang picture nila na nilagay ko sa blog ko.. kaso mahirap magbura, effort! hehehe
Ngayon meron na akong napagkukuwentuhan ng mga saloobin ko kaya bihira na ang pagsusulat. Masyado na rin akong abala at pagod para magsulat. At minsan, pakiramdam ko, mas masarap magsulat kung malungkot ka, o broken-hearted ka ...
Kaya siguro ako nagsusulat ngayon. Kaya siguro gusto kong magsulat ng magsulat... L
Isa pa, nabasa ko ang blog ni jeco. Nacurious ako sa ibang entry, napangiti sa ilang entry na napabilang ang pangalan ko. Kaya, sabi ko, “shit, nainggit ako! Magbabalog ulit ako!”
Kailangan ko nga lang ibahin ang template nito ... Nasisikipan ako sa espasyo! Jeco, tulungan mo ako!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment